Pasok sa Kamara suspendido hanggang Lunes

By Erwin Aguilon August 11, 2020 - 07:50 PM


Simula ngayong araw ay suspendido na muna ang pasok ng mga empleyado sa Batasang Pambansa Complex ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sesyon simula ngayong araw hanggang sa Lunes, August 17.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, tatagal ang work suspension sa Kamara hanggang Lunes, August 17.

Sabi ni Romualdez, ito ay bilang tugon na rin sa panawagan ng mga empleyado sa Kamara na patuloy pa ring pumapasok sa kabila ng pagtaas ng naitatalang nagkakasakit ng COVID-19 sa Batasan Complex.

Layunin din ng pansamantalang break na pagpahingain ang mga kawani ng Kamara sa maghapong trabaho.

Ang ilang araw na session break ay magbibigay ng sapat na oras para madisinfect ng husto ang lahat ng tanggapan at pasilidad sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Pagkakataon din ito para bigyang panahon ang mga komite sa Kamara na madaliin ang mga report kaugnay sa COVID-19 measures para maihanda na maisalang sa plenaryo sa pagbabalik sesyon.

TAGS: batasan complex, COVID-19, House Majority Leader Martin Romualdez, Kamara, batasan complex, COVID-19, House Majority Leader Martin Romualdez, Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.