New Normal Bill pasado na sa Kamara

By Erwin Aguilon August 11, 2020 - 06:15 PM

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa paghahanda ng publiko sa paglabas sa komunidad, oras na tuluyang alisin ang quarantine restrictions bunsod ng COVID-19.

Sa botong 242 YES, at wala namang pagtutol ay lumusot ang House Bill 6864 o ang Better Normal for the Workplace, Communities and Public Spaces Act of 2020 sa pinal na pagbasa.

Sa ilalim ng panukala, oobligahin ang publiko na maging bahagi na ng buhay sa mga susunod na taon o habang may banta pa ng COVID-19 ang kasalukuyang ginagawa ngayon na pagsunod sa health at safety measures tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng masks, pagsunod sa social distancing at temperature checks tuwing nasa pampublikong lugar.

Patuloy din na susundin ang mga safety at health standards sa mga pampublikong pagtitipon, public transportation, paaralan at mga workplaces.

Sa oras din na maka-adapt na sa new normal ang mga tao ay maaari nang makabalik sa operasyon ang maraming negosyo ga yundin ang pagbabalik ng maraming empleyado sa trabaho na walang pangamba na mahahawa ng virus.

Tinitiyak din naman ng panukala na napoprotektahan pa rin ang mga kabilang sa vulnerable sector kahit pa sasailalim na ang bansa sa “new normal”.

Kapag naging ganap na batas ang sinumang indibidwal na lalabag ay mahaharap sa pagkakakulong ng hanggang dalawang buwan o multa na P1,000 hanggang P50,000 o parehong parusa depende sa alituntunin na nilabag.

Sususpendihin naman ang lisensya ng mga establisyimentong hindi susunod sa “new normal” habang ang mga government officials at employees na lalabag ay mahaharap sa mas mahigpit na parusa na pagkakakulong ng anim na buwan o multang P50,000 hanggang P100,000.

TAGS: Better Normal for the Workplace Communities and Public Spaces Act of 2020, COVID-19, House Bill 6864, Kamara, new normal bill, Better Normal for the Workplace Communities and Public Spaces Act of 2020, COVID-19, House Bill 6864, Kamara, new normal bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.