Virtual oathtaking sa mga bagong pasa sa iba’t ibang licensure exams isasagawa ng PRC

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2020 - 03:35 PM

Magsasagawa ng virtual oathtaking ang mga bagong nakapasa sa iba’t ibang licensure examinations ngayong panahon ng pandemic.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), layon nitong makapapa-rehistro na ang mga bagong nakapasa at makapag-practice na ng kanilang propesyon.

Inabisuhan ang mga nakapasa sa licensure exams na hintayin ang abiso ng PRC para sa schedule ng kanilang virtual o online special oathtaking.

Ibabahagi ito sa official website at social media accounts ng PRC.

Sa sandaling mayroon nang schedule ay pwede nang maghain ng online oathtaking application system.

Narito ang step-by-step procedure para sa aplikasyon: https://www.prc.gov.ph/article/online-oathtaking-application-system/4532

Kung walang gadget at walang access sa internet, pwede pa ring sumailalim sa special oathtaking sa pamamagitan ng regional offices ng PRC.

 

 

 

TAGS: online special oathtaking, PRC, virtual oathtaking, online special oathtaking, PRC, virtual oathtaking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.