Mga kumpanya ng langis may dagdag-bawas sa presyo bukas

Oil photo genericMagpapatupad ng price adjustment sa kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas.

Epektibo alas 6:00 ng umaga bukas may ipatutupad na dagdag na P0.20 sa kada litro ng gasolina ang kumpanyang Shell at bawas naman na P0.15 sa kada litro ng kerosene at bawas din na P0.10 sa kada litro ng diesel.

Ang Phoenix Petroleum ay may parehong price adjustment para sa kanilang gasolina at diesel sa parehong oras bukas.

Habang ang Eastern petroleum naman ay P0.15 ang ibabawas sa diesel at P0.15 din ang idadagdag sa presyo ng gasolina.

Read more...