BREAKING: Dating Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., pumanaw matapos tamaan ng COVID-19

Inquirer File Photo

Pumanaw na si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes.

Kinumpirma ito ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Si Brillantes ay pumanaw ngayong umaga ng Martes (August 11).

Noong July 25 nag-post sa kaniyang Facebook ang anak ni Brillantes na si Zeena Brillantes na “day 11” na ng pagkakaroon ng COVID-19 ng kaniyang ama.

Iyon naman ang unang araw na kinailangang i-intubate ang dating Comelec chairman.

July 18 nang madala sa Medical Center Manila si Brillantes matapos makaranas ng lagnat mula July 16.

 

 

 

 

 

 

Read more...