Laguna at Batangas makararanas ng pag-ulan

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2020 - 11:46 AM

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorms ang lalawigan ng Laguna at Batangas.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 11:32 ng umaga ngayong Martes, Aug. 11 katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa dalawang lalawigan sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Mauban at Tayabas sa lalawigan ng Quezon.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga mabababang lugar sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng pagguho ng lupa ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

TAGS: Batangas, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm advisory, zambales, Batangas, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm advisory, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.