Swimmer, patay matapos malunod sa Manila Bay

By Erwin Aguilon February 29, 2016 - 12:43 PM

Sumadsad na Barge sa Manila Bay via Ricky
FILE PHOTO

Patay ang isang swimmer matapos malunod sa Manila Bay sakop ng Baseco,Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Clarence Sanchez, 11 taong gulang at miyembro ng Philippine Sailing Center.

Ayon sa ulat mula sa Philippine Coast Guard Headquarters, iniulat sa kanilang sub-station ng isang security guard ng Philippine Sailing Center ang pagkalunod ng biktima dahilan upang agad magtungo sa lugar ang kanilang mga tauhan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na lumalangoy sa Baseco ang biktima kasama ang labinlimang iba pang swimmer at coach nang mapansin ng mga kasamahan niyang ito ay nalulunod.

Dinala nila sa pampang ang biktima pero nang maging maayos ang kalagayan, muli itong bumalik sa paglangoy at muli na namang nalunod.

Doon na nabigo ang kaniyang mga kasamahan na siya ay mailigtas.

Dinala sa St. Rich Funeral Homes sa Quezon City ang labi ng biktima upang isailalim sa otopsiya.

TAGS: Manila Bay, swimmer dies after being drowned in Manila Bay, Manila Bay, swimmer dies after being drowned in Manila Bay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.