Pangulong Duterte magpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 sa harap ng publiko
Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna sa harap ng publiko kapag dumating na sa bansa ang vaccine kontra COVID-19 na galing ng Russia.
Ayon sa pangulo, ito ay para maiwasan na ang satsat ng mga kritiko.
Ayon sa pangulo, nakausap na niya si Russian President Vladimir Putin at nangakong magbibigay ng bakuna ng libre.
Ayon pa sa pangulo, nakahanda siya na unang pag-eksperementuhan ng bakuna.
“Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin,” ayon sa pangulo.
Sinabi pa ng pangulo na malaki ang kanyang tiwala sa pag-aaral ng Russia at ang lilikhaing vaccine ay para sa humanity.
Dagdag ng pangulo, may mga volunteer din aniya para magpaturok ng vaccine at oobserbahan kung ano ang magiging reaksyon ng katawan.
Maari aniyang maipamahagi na ang vaccine sa buwan ng Setyembre o Oktubre.
Kapag nagkataon, sinabi ng pangulo na asahan na na magkakaroon ng masayang Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.