Beteranong radio broadcaster na si Neil Ocampo, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 62 ang beteranong radio anchor na si Neil Ocampo.

Kinumpirma ito sa pamamagitan ng Facebook post ng kaniyang anak na si Aristotle.

Ayon sa post, August 10, 2020 nang pumanaw si Ocampo.

Hiniling din ng pamilya Ocampo na ipagdasal ang kanilang padre de pamilya.

“Our dad, Neil Ocampo, joined our Creator today, August 10th. Please join my family in prayers for the eternal repose of his soul,” ayon sa post.

Ayon pa sa post, para sa kaligtasan ng kalusugan ng lahat ngayong mayroong pandemic, lilimitahan lamang sa immediate family members ang papayagang bumisita burol ni Ocampo na nai-cremate na.

Matagal na naging anchor ng radio station ng ABS-CBN na DZMM si Ocampo.

 

 

 

 

 

Read more...