Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (ltfrb) ang mas mababang pamasahe ng Point to Point o P2P bus na may rutang Ortigas hanggang Makati City.
Nakasaad sa twitter account ng LTFRB na mula sa P55 na standard fare ng P2P sa Ortigas-Makati route ay magiging P50 pesos na lamang.
Epektibo ngayong araw, February 29 ang mas mababang pamasahe sa naturang bus service.
Sinabi rin ng ahensya na ang HM transport ang operator ng P2P bus simula ngayong Lunes.
Sinimulan ang P2P packages noong Disyembre para magkaroon ang mga pasahero na mas maikling biyahe at bilang tugon sa matinding trapik sa Metro Manila sa pamamagitan ng paghikayat sa mga may-ari ng sasakyan na mag-commute na lamang.
Mula Ortigas, may loading area sa Robinson’s Galleria sa South corner ng EDSA Shrine habang sa kahabaan ng Ayala Avenue ay sa Rustan’s at Robinson’s Summit Tower naman ang unloading areas.