RTC Branch sa San Pedro, Laguna isinailalim sa lockdown; isang empleyado nagpositibo sa COVID-19

Isinara pansamantala ang Branch 169/31 ng San Pedro Laguna Regional Trial Court.

Ito ay makaraang isang empleyado ng korte ang magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa abiso ni Executive Judge Sonia Yu-Casano, nakasailalim sa istriktong 14-day home quarantine ang lahat ng empleyado ng korte.

Ang naturang branch of court ay mananatiling accessible sa pamamagitan ng email nito at mga hotline number.

 

 

Read more...