Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 20.2 milyon na

Sumampa na 20.2 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 20,237,780 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 208,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,250,658 matapos makapagtala ng mahigit 49,000 pang bagong kaso.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 21,000 bagong kaso habang mahigit 45,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Ang Pilipinas ay pang-22 na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 3,057,470
India – 2,267,153
Russia – 892,654
South Africa – 563,598
Mexico – 480,278
Peru – 478,024
Colombia – 397,623
Chile – 375,044
Spain – 370,060

 

 

Read more...