Kaso ng COVID-19 sa Baguio City 166 na
Nakapagtala ng apat pang bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.
Ayon sa Public Information Office ng Baguio, dahil dito, sumampa na sa 166 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 59 ang aktibong kaso, 5 ang pumanaw, at 102 na ang naka-recover.
Ayon sa Baguio City LGU, mayroong mahigit 4,200 na residente nila ang sumasailalim sa 14-day quarantine.
Mahigit 19,300 na residente naman ang nakatapos na ng 14 na araw na quarantine.
Ang Baguio City LGU ay nakapagsagawa na ng mahigit 30,000 na Swab Test at mahigit 8,900 na Rapid Diagnostic Test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.