Pangulong Duterte may babala sa PhilHealth: Yayariin ko kayo!

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2020 - 06:33 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananagot ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa korapsyon sa ahensya.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ng pangulo na yayariin niya ang mga tiwaling opisyal ng PhilHealth.

Ayon sa pangulo, maaring nakaligtas sa mga nagdaang administrasyon ang mga opisyal ng PhilHealth pero hindi sila makalulusot sa ilalim ng Duterte administration.

Para naman sa mga opisyal na inosente at hindi sangkot sa anomalya, wala aniyang dapat ipag-alala ang mga ito.

Magugunitang iniutos ng pangulo sa Department of Justice ang pagbuo ng Task Force na tututok sa anomalya sa ahensya.

 

 

TAGS: corruption, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, philhealth, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, corruption, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, philhealth, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.