Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 48 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 17,305 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 4,409 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,009 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 230 dahilan para umabot na sa 11,887 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,222 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,101
– Talisay City – 818
– Minglanilla – 438
– Consolacion – 437
Mandaue City – 2,073
Lapu-Lapu City – 1,988
Negros Oriental – 115
Bohol – 110
Siquijor – 3