Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong buwan

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2020 - 05:41 AM

Bababa ng 25 centavos kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Agosto.

Ito ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng kuryente sa spot market at bahagyang paglakas ng piso kontra dolyar.

Ayon sa Meralco ito na ang ikaapat na sunod na buwan na mayroong pagbaba sa overall rate.

Dahil sa pagbaba ng presyo ang mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour kada buwan ay may bawas na P103 sa kanilang bill.

Ang mga kumokonsumo naman ng 400 kilowatt hour kada buwan ay P82 ang bawas sa bill.

P62 naman ang bawas kung ang konsumo ay 300 kilowatt hour.

At P41 ang bawas kung ang konsumo ay 200 kilowatt hour.

 

 

 

TAGS: BUsiness, Inquirer News, Meralco, News in the Philippines, power rate, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, Meralco, News in the Philippines, power rate, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.