Presyo ng produktong petrolyo may dagdag bawas ngayong araw 

May price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.

Sa abiso ng mga kumpanya, may dagdag na 25 centavos ang kada litro ng gasolina, habang 20 centavos ang bawas sa kada litro ng diesel at at 35 centavos ang bawas sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang alas 6:00 ng umaga ngayong Martes (Aug. 11) ang price adjustment ng mga kumpanyang Petron, Flying V, Shell, SeaOil, PTT, at Phoenix Petroleum.

Alas 12:01 naman naging epektibo ang dadag bawas ng Caltex.

Habang alas 4:01 ng hapon mamaya ang Cleanfuel.

 

 

 

 

Read more...