Mga nahuling lumabag sa safety measures sa Navotas City, higit 1,000

By Angellic Jordan August 10, 2020 - 11:59 PM

Mahigit 1,000 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa Navotas City.

Ito ay kasabay ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ulat ng Navotas City Police hanggang 5:00, Lunes ng hapon (August 10), umabot sa kabuuang 1,006 ang mga nahuling lumabag sa safety measures para maging protektado laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 898 ang nahuling walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito.

Nasa 54 katao naman ang lumabag sa curfew.

54 rin ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

TAGS: COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, MECQ violators in Navotas, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, MECQ violators in Navotas, Navotas City Police, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.