Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (August 10, 3:00 PM) nakapagtala ng 316 na bagong kaso kaya pumalo na sa 9,968 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,984
Laguna – 3,979
Batangas – 1,486
Rizal – 1,984
Quezon – 535
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 6,239.
Nasa 3,385 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 84 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 529
Laguna – 1,252
Batangas – 611
Rizal – 757
Quezon – 236
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng apat kaya umabot na sa 344 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 64
Laguna – 81
Batangas – 56
Rizal – 124
Quezon – 19
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay