Apela ng Palasyo, huwag agad ituro ang mga otoridad sa pagkasawi ng NDFP consultant

Photo grab from PCOO Facebook video

Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa Anakpawis na huwag agad na ituro ang tropa ng pamahalaan na nasa likod ng pagpatay kay National Democratic Front Peace consultant Randall “Randy” Echanis.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas makabubuting hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon ng mga pulis.

“Let’s wait for the result of the police investigation before pinning death of Echanis on anyone,” pahayag ni Roque.

Ayon kay dating Anakpawis congressman Ariel Casilao, nagsagawa ng raid ang mga hindi armadong pulis sa bahay ni Echanis sa kanyang tahanan sa Quezon City, Lunes ng madaling araw (August 10).

Ayon kay Roque, masyadong maaga pa para ituro ang mga otoridad na nasa likod ng pagkamatay ni Echanis.

Read more...