Kawani ng Kamara na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 40
By Erwin Aguilon August 10, 2020 - 07:21 PM
Umakyat na sa 40 ang bilang ng mga kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales, isang babaeng congressional staff ang pinakabagong kaso.
Huli aniya itong nagtungo sa Batasang Pambansa Complex noong March 11.
Nagkaroon aniya ito ng sintomas ng nakamamatay na sakit matapos mag-alaga sa kaanak na nauna nang nagkaroon ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.