Panukalang Bayanihan 2, posibleng maisalang na sa bicam sa susunod na linggo

By Erwin Aguilon August 10, 2020 - 06:51 PM

Inaasahang maisasalang na sa bicameral conference committee sa sususnod na linggo ang Bayanihan to Recover as One Bill o Bayanihan 2.

Ito ay kasunod nang pagpasa ng panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sabi ni House Speaker Alan Peter, target kasi nilang maratipikahan ang report ng bicameral conference committee sa Martes o Miyerkules sa susunod na linggo.

Ayon kay Cayetano, may mga pagpupulong nang naganap nakalipas na mga araw kung saan natalakay ang pagkakaiba sa bersyon ng Senado at Kamara.

Sa ilalim ng bersyon ng Kamara, maglalaan ang pamahalaan ng P162 bilyon para sa stimulus package habang ang Senado naman ay P140 bilyon na pasok sa budget cap na itinakda ng Department of Finance, National Economic Development Authority at Department of Budget and Management.

Sinabi ni Cayetano na bagama’t naiintindihan nila nais lamang ng economic managers ng magandang fiscal managment at paghandaan ang posibilidad na matatagalan pa ang health crisis na ito, pero mas magiging malakas sana ang Bayanihan 2 kung mas malaki ang pondo para rito.

TAGS: 18th congress, Alan Peter Cayetano, Bayanihan 2, Bayanihan to Recover as One bill, Bicameral Conference Committee, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 18th congress, Alan Peter Cayetano, Bayanihan 2, Bayanihan to Recover as One bill, Bicameral Conference Committee, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.