Southwest Monsoon, patuloy na nakakaapekto sa bansa – PAGASA
Patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa bansa, lalo na sa Luzon.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Joey Figuracion na asahan pa ring makakaranas ng pag-ulan sa ilang parte ng bansa bunsod ng Habagat hanggang Lunes ng gabi, August 10.
Partikular na maaapektuhan ng monsoon rains ang Ilocos region, Zambales at Bataan.
Kaya paalala ng weather bureau, maging maingat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan, sa nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA dahil pa rin sa Habagat.
Sa bahagi naman ng Bicol, Visayas at Mindanao ay pulo-pulong pag-ulan ang iiral dulot naman ng thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.