Yellow warning nakataas sa Bataan, Zambales at Pampanga
Itinaas ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa ilang lalawigan sa bansa.
Sa abiso ng PAGASA, ito ay dulot pa rin ng Tropical Depression Ferdie at Southwest Monsoon.
Nakataas ang yellow warning sa Bataan; Pampanga partikular sa Floridablanca, Porac, at Angeles City; Zambales sa Subic at Olongapo.
Babala ng weather bureau, posibleng makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Sinabi ng PAGASA na asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Quezon, Laguna at Rizal sa susunod na tatlong oras.
Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Batangas at nalalabing bahagi ng Zambales sa susunod na tatlong oras.
Nag-abiso ang PAGASA sa publiko na tutukan ang magiging lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.