India, nakapagtala ng 62,000 pang kaso ng COVID-19
By Angellic Jordan August 10, 2020 - 03:44 PM
Nasa 62,064 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 10), pumalo na sa 2,215,074 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 634,945 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 54,859 ang mga gumaling.
Dahil dito, 1,535,743 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 44,386 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.