Amerikanong pugante, nahuli ng BI sa Batangas

By Angellic Jordan August 10, 2020 - 02:42 PM

Ipapa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang nahuling Amerikanong pugante na may kinakaharap na kaso dahil sa assault at possession of deadly weapon.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nakilala ang dayuhan na si Peter Alex Drier, 45-anyos.

Naaresto ng mga tauhan ng BI Fugitve Search Unit (FSU) at Batangas police si Drier sa bahagi ng Barangay Dayap Itaas sa Laurel noong August 5.

Inilabas aniya ang mission order para maaresto si Drier kasunod ng kahilingan ng US embassy sa Manila.

Ipinaalam din ng US embassy sa BI na kanselado na ang pasaporte ng dayuhan kung kayat isa na itong undocumented alien.

“He will be deported for posing risk to public safety and security due to his profile as a fugitive from justice who used the Philippines as a refuge to evade prosecution for crimes he committed in his country,” ayon kay Morente.

Dagdag pa ng hepe ng BI, mapapasama rin si Drier immigration blacklist upang hindi na muling makapasok ng bansa.

Sa ngayon, nananatili ang dayuhan sa temporary custody ng Batangas provincial police habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 swab test nito.

TAGS: BI Commissioner Jaime Morente, Inquirer News, Peter Alex Drier, Radyo Inquirer news, BI Commissioner Jaime Morente, Inquirer News, Peter Alex Drier, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.