Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, mabilis ang gagawing pag-apruba sa panukala upang matugunan ang problema sa kakulangan sa medical workforce tuwing may national emergency tulad ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Cayetano, sa mga ganitong sitwasyon tulad ng pandemya ay mahalaga na may nakahanda agad na emergency manpower para sa mabilis at epektibong paghahatid ng serbisyo sa mga biktima o pasyente.
Sa ilalim ng panukala, gagamitin ng pamahalaan tuwing national emergency sa mga indibidwal na nagtapos ng medisina, nursing, medical technology at iba pang health-related fields pero hindi pa nakakakuha ng lisensya dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Sa ngayon ay apat na panukala na ang nakabinbin sa House Defeat COVID-19 Adhoc Committee at sa Committee on Health na naghihintay na lamang na maipasa.