Pagpasa ng panukala para sa pagkakaroon ng Medical Reserve Corps, tiniyak
Mabilis na uusad sa Kamara ang panukala para sa paglikha ng Medical Reserve Corps.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, mabilis ang gagawing pag-apruba sa panukala upang matugunan ang problema sa kakulangan sa medical workforce tuwing may national emergency tulad ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Cayetano, sa mga ganitong sitwasyon tulad ng pandemya ay mahalaga na may nakahanda agad na emergency manpower para sa mabilis at epektibong paghahatid ng serbisyo sa mga biktima o pasyente.
Sa ilalim ng panukala, gagamitin ng pamahalaan tuwing national emergency sa mga indibidwal na nagtapos ng medisina, nursing, medical technology at iba pang health-related fields pero hindi pa nakakakuha ng lisensya dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Sa ngayon ay apat na panukala na ang nakabinbin sa House Defeat COVID-19 Adhoc Committee at sa Committee on Health na naghihintay na lamang na maipasa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.