Lola, isa pa patay sa sunog sa Laguna

By Jan Escosio August 10, 2020 - 01:06 PM

Dalawang babae ang nasawi nang masunog ang isang bahay sa Biñan City sa Laguna Linggo ng tanghali.

Kinilala ang mga biktima na sina Zenaida Mendoza, 72 at ang 19-anyos na Sophie Andre Mendoza.

May lapnos naman sa kanyang katawan ang isang Justin Mendoza.

Hindi nabanggit sa ulat kung ano ang relasyon ng lolang biktima sa dalawang batang biktima.

Ang mga biktima ay pawang residente ng B1 L52 Lipa St., South City Homes sa Barangay Sto. Tomas.

Dakong alas-12:15 ng tanghali nang makarinig ng pagsabog sa loob ng bahay ng mga biktima at kasuno na nito ang mabilis na pagkalat ng apoy.

Samantala, pinasok ng walong lalaki at isang babae ang Ron Espinas Convience Store sa Barangay San Francisco, sa nasabi din lungsod, Linggo ng hapon.

Itinali ng mga suspek sina Yang Shichao, 53, isang Chinese citizen; ang guwardiyang si Alvin Galvan at si Billy Villanueva, bago tinangay ang 10 cellphones, P30,000 cash at dalawang baril.

 

 

TAGS: Biñan Laguna, fire incident, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Biñan Laguna, fire incident, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.