Ang reusable masks ay ipamamahagi ng libre sa mamamayan kasunod na rin ng anunsiyo ng DILG ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa ukol sa pagsusuot ng mask kapag nasa labas ng bahay.
Tiniyak ni Aniceto Bertiz III, deputy director general ng TESDA, na mataas ang kalidad ng gagawin nilang masks at ang mga ito ay nagkakahalaga ng hindi hihigit sa P15 bawat isa.
Aniya ang lahat ng mga matatapos na masks ay ibibigay nila sa DILG para sa distribusyon sa mga lokal na pamahalaan.
Simula noong Marso, ipinag-utos na ni TESDA Dir. Gen. Isidro Lapena ang paggawa ng masks sa pamamagitan ng home-livelihood support program ng ahensiya sa mga mahihirap na pamilya.
Sinabi pa ni Bertiz na maaring magpasaklolo sila sa DTI para humingi ng tulong sa garments industry, partikular na ang mga small and medium-sized enterprises.