TESDA gagawa ng 50 milyong resusable masks sa loob ng apat na buwan

By Jan Escosio August 10, 2020 - 12:59 PM

Inatasan ng Malakanyang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na gumawa ng hanggang 50 milyon reusable cloth masks sa susunod na apat na buwan.

Ang reusable masks ay ipamamahagi ng libre sa mamamayan kasunod na rin ng anunsiyo ng DILG ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa ukol sa pagsusuot ng mask kapag nasa labas ng bahay.

Tiniyak ni Aniceto Bertiz III, deputy director general ng TESDA, na mataas ang kalidad ng gagawin nilang masks at ang mga ito ay nagkakahalaga ng hindi hihigit sa P15 bawat isa.

Aniya ang lahat ng mga matatapos na masks ay ibibigay nila sa DILG para sa distribusyon sa mga lokal na pamahalaan.

Simula noong Marso, ipinag-utos na ni TESDA Dir. Gen. Isidro Lapena ang paggawa ng masks sa pamamagitan ng home-livelihood support program ng ahensiya sa mga mahihirap na pamilya.

Sinabi pa ni Bertiz na maaring magpasaklolo sila sa DTI para humingi ng tulong sa garments industry, partikular na ang mga small and medium-sized enterprises.

 

 

TAGS: 50 million reusable masks, face masks, Tesda, 50 million reusable masks, face masks, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.