Medical leave ni PhilHealth Head Morales walang epekto sa Senate Probe

By Jan Escosio August 10, 2020 - 12:48 PM

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na itutuloy ang pagdinig ukol sa mga anomalya sa Philhealth kahit mag-medical leave si Philhealth President Ricardo Morales dahil sa sakit niyang kanser.

Aniya hindi nito mapipigilan ang paglabas ng mga testigo, na handing magbigay ng testimoniya sa Senate Committee of the Whole.

Dagdag pa ni Sotto, hindi mapipigilan ng kondisyon ng kalusugan ni Morales ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng ahensiya kung magkakaroon ng sapat na basehan.

Unang lumabas ang medical certificate ni Morales mula sa kanyang doktor at pinapayuhan itong magpahinga para sa pagagamot sa kanyang sakit na lymphoma.

Ngunit sinabi ni Morales na handa pa rin siyang humarap sa pagdinig sa Senado sa pamamagitan ng virtual appearance.

Ang pahayag na ito ng opisyal ay kinilala naman ni Sotto.

Bukas inaasahan na ipagpapatuloy ng komite na pinamumunuan ni Sotto ang pagdinig.

 

 

TAGS: corruption, philhealth, Ricardo Morales, Senate probe, corruption, philhealth, Ricardo Morales, Senate probe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.