Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 358 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-11:09 umaga ng Lunes (August 10).

May lalim na 88 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...