Tropical Depression Ferdie nakalabas na ng bansa – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo August 10, 2020 - 11:34 AM

Nakalabas na ng bansa ang Tropical Depression Ferdie.

Alas 9:00 ng umaga nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo ayon sa PAGASA.

Patungo na sa China ang bagyo at inaasahang tatama sa kalupaan ng Fujian Province.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 265 kilometers West Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte o sa layong 315 kilometers West ng Calayan, Cagayan.

Ang pinagsanib na epekto ng bagyo at ng Habagat ay magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa.

Ngayong araw, ayon sa PAGASA, makararanas ng monsoon rains ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, at Bataan.

Occasional rains naman ang mararanasan sa Batanes, Cagayan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at sa nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at sa Central Luzon.

Samantala, ang isa pang bagyo na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa ay huling namataan sa layong 2,515 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Maliit ang tsansa na papasok ito sa bansa.

 

 

TAGS: #FerdiePH, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, #FerdiePH, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.