Pagpapatayo ng cell sites dapat bumilis na ayon kay Sen. Grace Poe

By Jan Escosio August 10, 2020 - 11:03 AM

Umaasa si Senator Grace Poe na bibilisan na ng telco sang pagpapatayo ng kanilang cell sites ngayon buong gobyerno na ang nagtutulak at gumarantiya na wala ng mga balakid.

Sinabi ni Poe ang matagal na aplikasyon at pagpapalabas ng permit para sa pagpapatayo ng cell sites ay hindi na dapat asahan dahil may malinaw ng utos ang Ehekutibo ukol dito.

Ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Public Services, sa kaso ng mga lokal na pamahalaan, ang DILG ay maaring magsagawa agad ng sariling imbestigasyon kapag may reklamo.

Diin ng senadora kapag may sapat na ebidensiya ay maaring maharap sa kaso ang mga lokal na opisyal sa Ombdsman.

Dagdag pa ni Poe maari din kumilos ang Anti Red Tape Authority na binuo sa ilalim ng Ease of Doing Business Act.

Ngayon nakakaranas ng pandemiya ang bansa dala ng COVID 19 at magsisimula na ang distant learning system ng DepEd dapat ay bumuti na ang connectivity rate sa bansa.

 

 

TAGS: cellsites, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, grace poe, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Telcos, cellsites, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, grace poe, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Telcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.