DOH nakaranas ng system error sa kanilang database; COVID-19 case bulletin gabi na mailalabas
Ilang oras na male-late ang paglalabas ng COVID-19 Case Bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Lunes (Aug. 10).
Ayon sa abiso ng DOH, sa halip na alas 4:00 ng hapon ay alas 8:00 ng gabi pa mailalabas ang case bulletin.
Sinabi ng DOH na mayroong hindi inaasahang system error na nagdulot ng non-inclusion ng new cases sa COVIDKAYA-extracted database.
Bagaman natugunan na ang problema, nagdulot ito ng dagdag na oras sa para maiproseso ang mga na-extract na datos.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang ahensya sa kung ano ang pinamulan ng problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.