Bentahan ng gulay sa Benguet, suspendido

Sinuspinde ng La Trinidad Trading Post ang bentahan ng gulay ngayong araw bilang protesta sa nalalapit na eviction sa kinaroroonan ng Benguet AgriPinoy Trading Center.
Sa ulat ng Inquirer Northern Luzon, lumahok sa protest march ngayong umaga ang mga nagtatanim at nagbebenta ng gulay, traders, shipping truckers at porters.
Bukas na kasi, March 1 ang deadline sa utos ni La Trinidad Mayor Edna Tabanda na i-relocate ang Benguet AgriPinoy Trading Center.
Ang mga lumahok sa protesta ay nag-martsa patungo sa Benguet Justice Hall at sa Benguet Capitol para magsampa ng petisyon at hilingin sa korte na pigilin ang nakatakdang eviction.
Ayon kay Augusta Balanoy ng Benguet Farmers Marketing Cooperative, mag-reresume naman ang trading ng gulay mamaya matapos ang kanilang protesta.
Sa Benguet nagmumula ang suplay ng carrots, patatas, repolyo, cauliflower at iba pang gulay na ibinebenta sa mga palengke sa Metro Manila.
Umaabot sa 1.2 tons ng gulay ang nabibili at naibibiyahe palabas ng Benguet kada araw.
Ang suspensyon ng trading ayon kay Balano ay magreresulta ng delay sa pagdating ng mga gulay sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.