Yellow Warning nakataas sa Pampanga, Zambales at Bataan

By Dona Dominguez-Cargullo August 10, 2020 - 08:55 AM

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Pampanga, Zambales at Bataan dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes (August 10) yellow warning ang umiiral sa mga bayan ng Floridablanca at Lubao sa Pampanga at sa lalawigan ng Bataan at Zambales.

Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Cavite at Batangas.

Ganito na rin ang lagay ng panahon na nararanasan sa Metro Manila, Bulacan at nalalabi pang bahagi ng Pampanga.

Pinapayuhan ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Ang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

TAGS: #FerdiePH, Inquirer News, News in the Philippines, pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow rainfall warning, #FerdiePH, Inquirer News, News in the Philippines, pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.