Delivery room ng Justice Jose Abad Santos General Hospital pansamantalang isinara
Inihinto muna pansamantala ang pagtanggap ng mga buntis at manganganak na pasyente sa Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila.
Inanunsyo ito ni Manila City Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Moreno, wala munang tatanggapin on-COVID OB patients.
Umabot na kasi sa 233 percent ang occupancy rate ng ‘paanakan’ sa ospital.
“Ang occupancy rate ng kama para sa mga nanganak ay 233% na po. Ibig sabihin ay mahigit pa so doble ang bilang ng pasyente kumpara sa kama ng ospital,” ayon sa abiso ng pagamutan.
Hinimok na magtungo na lamang muna sa ibang ospital ang mga residenteng buntis o manganganak na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.