Ikalawang chartered flight sa Lebanon inihahanda na ng pamahalaan
Tiniyak ng pamahalaan na magpapadala pa ng susunod na chartered flights sa Lebanon.
Ayon sa abiso ng embahada ng Pilipinas sa Beirut, inihinto pansamantala ang pagtanggap ng mga nais magpatala para sa chartered flight para sa August 16.
Tiniyak naman ng embahada na ia-accommodate sa mga susunod na chartered flight ang iba pang mga nais na umuwi.
“Pansamantalang ititigil ng Pasuguan ang pag tanggap ng aplikasyon sa chartered Mass Repatriation Flight sa 16 August 2020. Mag-aanunsiyo po ang Pasuguan para sa pagsimula muli ng pagtanggap ng aplikasyon para sa Free Voluntary Mass Repatriation Program, at patungkol sa mga susunod pang chartered flights na lilipad papuntang Pilipinas sa lalong madaling panahon,” ayon sa abiso ng embahada.
Nakasaad din sa hiwalay na abiso na libre at walang bayad ang lahat ng chartered flights na mag-uuwi sa mga Pinoy sa Lebanon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.