Ayon sa Public Information Office ng Baguio, ang apat na mga bagong kaso ay mula sa Irisan, Pinget, Brookspoint, Aurora Hill; at Chapis Village, Bakakeng Central.
Ang 71-anyos na lalaki mula sa Bakakeng Central ay pumanaw na at idineklarang dead on arrival sa Baguio General Hospital ang Medical Center.
Dahil dito, sumampa na sa 162 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 58 ang aktibong kaso, 5 ang pumanaw, at 99 na ang naka-recover.
MOST READ
LATEST STORIES