Bayan ng Anda sa Bohol, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo February 29, 2016 - 08:05 AM

Feb 29 Anda BoholNiyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Anda sa lalawigan ng Bohol kaninang madaling araw.

Naitala ang pagyanig sa 19 kilometers south east sa bayan ng Anda.

Sa unang impormasyon na inilabas ng Phivolcs, 4.6 ang magnitude ng lindol pero ibinaba ito sa 4.1 makalipas ang ilang minuto.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 18 kilometers lamang ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks na maitatala bunsod ng nasabing pagyanig.

Kahapon ng hapon, naitala ng Phivolcs ang magnitude 5.6 na lindol sa bahagi naman ng Saranggani sa Davao Occidental.

TAGS: 4.1 magnitude quake hits anda, Bohol, 4.1 magnitude quake hits anda, Bohol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.