Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 17,200 na
Sumampa na sa mahigit 17,200 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 97 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 17,262 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 4,597 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,005 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 110 dahilan para umabot na sa 11,660 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,215 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,083
– Talisay City – 816
– Minglanilla – 437
– Consolacion – 436
Mandaue City – 2,067
Lapu-Lapu City – 1,980
Negros Oriental – 115
Bohol – 110
Siquijor – 3
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.