LOOK: Cotabato farmers gumagawa ng face shield na yari sa bamboo

Umapela ang Mindanao Development Authority sa publiko na suportahan ang face shield na likha ng Cotabato farmers.

Ang gawang face shield ng mga magsasaka ay yari sa bamboo o kawayan.

Ayon kay MinDa Chairman Manny Piñol ang grupong Central Mindanao Green Workers Association ay pinangungunahan ng isang agricultural engineer.

Nagsimula na silang magbenta ng Bamboo Face Shield sa halagang P80.

Para bumili ng produkto maaring tumawag kay Nonoy Jayme sa cellphone number 0965-8873930 o 0951-413-1970.

Maari ding mag-order online sa www.bambuhay.com o sa Bambuhayph Facebook.

 

 

Read more...