Bagyong Ferdie lalakas pa; Signal #1 nakataas sa bahagi ng Ilocos Sur at Ilocos Norte

By Dona Dominguez-Cargullo August 10, 2020 - 05:52 AM

Inaasahang lalakas pa ang bagyong Ferdie at magiging tropical storm ayon sa PAGASA.

Sa weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 210 kilometers West Northwest ng Sinait, Ilocos Sur o sa layong 210 kilometers West ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:

  • Western portion ng Ilocos Norte (Badoc, Pinili, Currimao, Batac City, Paoay, San Nicolas, Laoag City, Pasuquin, Bacarra, Burgos)
  • Western portion ng Ilocos Sur (Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, San Juan, Cabugao, Sinait, Santa Catalina)

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay inaasahang tatama sa Fujian Province sa southeastern China bukas ng umaga o tanghali.

Ngayong araw, ang pinagsamang epekto ng bagyong Ferdie at Habagat ay magdudulot ng maulang panahon sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, at MIMAROPA.

Aasahan ang monsoon rains sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, at Bataan, habang occasional rains ang mararanasan sa Batanes, Cagayan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at nalalabi pang bahagi ng Cordillera Administrative Region, at sa Central Luzon.

Babala ng PAGASA maaring magdulot ng pagbaha o landslides ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

Bukas ng umaga maarin

radyo inquirer, inquirer news, tagalog breaking news, tagalog news website, news in the philippines,

g nasa labas na ng bansa ang bagyo.

Samantala, isa pang bagyo na nasa labas ng bansa ang binabantayan din ngayon ng PAGASA.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 2,580 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Sa ngayon ay maliit pa ang tsansa na papasok ito ng bansa.

 

 

 

 

TAGS: #FerdiePH, Inquirer News, News in the Philippines, pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather, #FerdiePH, Inquirer News, News in the Philippines, pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.