Yellow Warning nakataas sa Zambales at Bataan

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Zambales at Bataan dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Lunes (August 10) yellow warning ang umiiral sa mga bayan ng San Antonio, Subic, at Olongapo sa Zambales gayundin sa lalawigan ng Bataan.

Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, at nalalabi pang bahagi ng Zambales.

Pinapayuhan ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Ang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...