Divilacan, Isabela niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Isabela.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 117 kilometers northeast ng bayan ng Divilacan, ala-1:52 madaling araw ng Lunes (August 10).

May lalim na 43 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

 

Read more...