Licensure examinations sa buwan ng Oktubre at Nobyembre, kinansela na rin ng PRC dahil sa COVID-19

Kinansela ng Professional Regulation Commission (PRC) ang mga nakatakdang licensure examinations sa buwan ng Okyubre at Nobyembre.

Sa inilabas na pahayag, ang hakbang ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa na nagdudulot na ng takot at pangamba sa kaligtasan at kalusugan ng lahat.

Narito ang mga na kinanselang exams ng PRC:
• Chemical Engineers Licensure Examination (October 2, 3, & 4, 2020)
• Naval Architects and Marine Engineers Licensure Examination (October 6, 7, & 8, 2020)
• Metallurgical Engineers Licensure Examination (October 6, 7, & 8, 2020)
• Certified Public Accountants Licensure Examination (October 10, 11, & 17, 2020)
• Licensure Examination for Optometrists (written) (October 13, 14, & 15, 2020)
• Licensure Examination for Optometrists (practical) (October 18, 19, 20, & 21, 2020)
• Special Certification Examination in Ocular Pharmacology (October 13, 2020)
• Chemists Licensure Examination (October 20 & 21, 2020)
• Chemical Technicians Licensure Examination (October 22, 2020)
• Electronic Engineers Licensure Examination (October 24 & 25, 2020)
• Electronic Technicians Licensure Examination (October 26, 2020)
• Geodetic Engineers Licensure Examination (October 28 & 29, 2020)
• Fisheries Technologists Licensure Examination (October 28 & 29, 2020)
• Customs Brokers Licensure Examination (November 4 & 5, 2020)
• Agriculturists Licensure Examination (November 10, 11, & 12, 2020)

Sa taong 2021 na ire-reschedule ang mga nakanselang exam.

Sinabi pa ng PRC na antabayan ang kanilang mga susunod na anunsiyo kung kailangan ang magiging schedule ng mga apektadong licensure examinations sa kanilang website at social media accounts.

Maaari ring mag-email sa sumusunod:
licensure.office@prc.gov.ph licensure.division@prc.gov.ph

Matatandaang kinansela rin ng ahensya ang mga nakatakdang licensure examinations noong nakaraang Marso at hanggang buwan ng Setyembre dahil pa rin sa banta ng nakamamatay na COVID-19.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...