BREAKING: Sen. Bong Revilla Jr. nagpositibo sa COVID-19

Positibo sa COVID-19 si Senator Bong Revilla Jr.

Inanunsyo ito ng senador sa kaniyang Facebook page.

Ayon sa senador, walang dapat na ipag-alala dahil maayos naman ang kaniyang kondisyon, maging ang kaniyang asawa at kanilang mga anak.

“Nakakalungkot po na balita – I am COVID-19 positive. Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat,”.

Sinabi ni Revilla na nagpasailalim sila sa COVID-19 test at agad nag-isolate matapos na isang kasambahay nila at isang staff niya ang magpositibo sa sakit.

Huli siyang nagtungo sa senado noong Lunes, at huling lumabas noong Martes noong ika-40 araw ng kamatayan ng kaniyang ama.

Sinabi ni Revilla na magpapatuloy ang kaniyang pagsailalim sa quarantine.

 

 

 

Read more...