Bandila ng Pilipinas sa NBI offices sa bansa, ilalagay sa half-mast bilang pakikiramay sa pagpanaw ni ex-Mayor Alfredo Lim

Naparating ng pakikiramay ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpanaw ni dating NBI Director at dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Ayon kay NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor, hindi makakalimutan ng mga empleyado ng ahensya si Lim.

Kahit kasi tapos na ang kaniyang termino bilang NBI Director, dumadalo pa rin aniya si Lim sa mga anibersaryo, Christmas celebration at iba pa.

Ani Distor, ilalagay sa half-mast ang mga bandila ng Pilipinas sa mga tanggapan ng NBI sa buong bansa.

“In observance, the Philippine flag will be at Half-mast in the NBI head office and all its Regional and District Offices across the country”, pahayag ni Distor.

Si Lim ay naging pinuno ng NBI mula December 23, 1989 hanggang March 20, 1992.

Read more...